Kapampangan fashion

Tuesday, February 23, 2016

KAPAMPANGAN FASHION

Ang mga Kapampangan ay kilala sa larangan ng pagluluto, ngunit lingid sa ating kaalaman,sila rin ay marunong pumorma. Kahit madalas silang walang pera, kung sila’y pumorma, mulaulo hanggang paa. Sila’y hindi pahuhuli sa uso, baduy man sa paningin ng ibang tao, sila’y sigelang ng sige, mapa babae man o lalaki. Sila ay may kanya kanyang porma na kinagigiliwan ng marami. Iba’t ibang style ng buhok, mga dress sa mga kababaihan at shirt sa mga kalalakihan at iba pa.

#KapampanganFashion

CLOTHES

       Iba’t ibang uri o disenyong pangkasuotan ng mga kababaihan at kalalakihan ang   kinahuhumalingan ng mga Kapampangan, tulad nalang ng bistida ng mga babae at   kamiseta ng mga lalaki na kung saan isinusuot nila sa iba’t ibang okasyon. Simple pero maporma ang dating para sa mga Kapampangan.
 

SHOES

Ang sapatos ay isang kasuotan o sapin sa paa. Para sa mga kababaihan, karaniwan na ang mataas o mababa ang takong na madalas ding ginagamit pang porma. Samantalang sa mga kalalakihan, karaniwang ginagamit ang rubber shoes na naging pambansang kasuotan nila sa paa. Ang iba’t ibang disenyo at kakaibang kulay ng mga sapatos ay lubos na tinangkilikan ng mga Kapampangan.


HAIRSTYLE

     Para sa mga Kapampangan, ang disenyo ng buhok ay nagpapakita ng kagandahan ng isang tao kaya’t iba’t ibang uri ng disenyo ang kinahuhumalingan nila katulad ng mga hair color, strait hair at bangs sa mga kababaihan at Mohawk hairstyle para naman sa mga kalalakihan.

MAKE-UP

Hindi kumpleto ang araw at porma ng mga Kapampangan, ma pa babae man o lalaki kung hindi nakaayos ang kanilang mga mukha. Lalo na sa mga kababaihan, sila’y mitikulosa pag dating sa pagpapaganda. Sa simpleng face powder, lipstick, blush-on at iba pa ay nakakadagdag ng appeal o nakakaganda.
        

SHORTS

Ang short ang madalas na ginagamit ng mga Kapampangan. Trending na trending ito sa Pampanga. Meron na itong iba’t ibang disenyo at makikita din ito’ng sinusuot kapag nasa mall, beach, iba’t ibang okasyon at madalas sa bahay.
 

PANTS

        Pants ay kilala sa Pilipinas bilang pangunahing kasuotang pang ilalim. Sa panahon ngayon, meron ng iba’t ibang uri o disenyo ng pants.  Isa na rito ang Jagger pants, ang jagger pants ay isang simpleng kasuotang pang ilalim na may garter sa ibaba. Pumatok ito sa mga Kapampanga’ng lalaki dahil sa kakaibang sense of style nito. Meron ding ragged pants, ito ay may butas butas sa harap ng lubos na tinangkilik ng mga Kapampangan. Sa mga kababaihan na man ay may pants na iba’t iba ang kulay at fit na fit sa ilalim nilang katawan.
       

BAGS

Ang pinaka kinahuhumalingan ng mga Kapampangan ay iba’t ibang klase o disenyo ng mga bag. Tulad ng Backpack, slingbag, shoulder bag at handbag. Isa rin ito sa pamorma ng mga Kapampangan. Dito nila nilalagay ang mga importanteng bagay na kung saan dala dala nila san man sila magtungo.
        

ACCESSORIES

  Mahilig sa mga palamuti ang mga Kapampangan, tulad ng relo, hikaw, kwintas, singsing at iba pa. ibinabagay nila ito sa kanilang mga porma at kasuotan na kung saan nakakadagdag ng kagandahan sa kanilang pag aayos at pag po’porma.


          

Monday, February 15, 2016